Kongresista, hiniling ang agad na pagpapatibay sa Taal Eruption Recovery Rehabilitation and Adaptation (TERRA) Act

Ipinanawagan muli ni Albay Rep. Joey Salceda ang pagpapatibay sa panukalang proposed Taal Eruption Recovery Rehabilitation and Adaptation (TERRA) Act.

Sa gitna na rin ito nang muling pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Layunin ng TERRA Act, na makabuo ng isang pangmatagalang socioeconomic reconstruction program para sa mga komunidad na direktang apektado ng aktibidad ng Taal.


Ayon kay Salceda, ang pinaka-ideya dito ay mahimok na magkaroon ng development sa labas ng danger zone sa pamamagitan ng paglalagay ng kinakailangang infrastructure support, economic incentives, at policy direction para sa mas matatag na pagunlad.

Ibinase niya ang TERRA Act sa kanilang Guinobatan-Camalig-Daraga-Legazpi (Guicadale) Economic Township sa Albay.

Itinutulak din sa panukala ang safe, sustainable at long-term development na South of Manila Growth Corridor (SMGC) sa pamamagitan ng pagpapabilis ng pagtatayo ng mga imprastraktura gayundin ang mapping ng ligtas na lugar para sa industrial, commercial, at residential development.

Magkagayunman, aminado si Salceda na posibleng ang susunod na adminsitrasyon na ang makapagpatupad nito sakaling maisabatas ngayon.

Facebook Comments