Kongresista, hiniling kay Pangulong Duterte na sibakin na si PNP Chief Bato

Manila, Philippines – Hiniling ni Senior Deputy Minority Leader at Buhay PL Rep. Lito Atienza na sibakin na ni Pangulong Rodrigo Duterte si PNP Chief Ronald Bato dela Rosa.

Ang mungkahi na ito ni Atienza ay bunsod na rin ng pagtawag ni Bato sa mga kritiko ng war on drugs na inggrato.

Paglilinaw ni Atienza, suportado naman niya ang kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga pero hindi naman dapat na mauwi ito sa culture of death sa bansa.


Nagiging malaking problema na aniya ang pabata ng pabata na mga napapatay sa war on drugs.

Mas lalo pang sumasama ang kampanya kontra iligal na droga dahil sa mga abusadong pulis na hindi naman nakokontrol ni Dela Rosa.

Dagdag pa ni Atienza, mabuting umpisahan ang pagtama sa direksyon ng war on drugs na uumpisahan sa pagsibak kay Dela Rosa.

Facebook Comments