Kongresista, hiniling na gamitin ang oversight function ng Kamara sa natuklasang iregularidad sa Malampaya fund

Manila, Philippines – Hinimok ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na gamitin na ng Kamara ang kanilang oversight power kaugnay sa natuklasang iregular na paggamit ng P38.8 Billion Malampaya Funds ng mga dating opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) mula 2004 hanggang 2012.

Giit ni Zarate, mahalagang gawin na ngayon ng Mababang Kapulungan ang oversight functions nito ngayong nahaharap na sa imbestigasyon ang mga dating opisyal ng DBM na sangkot sa iregularidad.

Matibay na patunay ang natuklasan ng COA na ang naturang halaga ng Malampaya funds ay hindi sumusunod sa batas na dapat paggamitan ng pondo.


Sa ilalim ng batas, ang Malampaya fund ay gagamitin lamang sa oil at energy program ng gobyerno.

Ang hindi wastong paggamit ng pondo ang dahilan kaya inihain din niya ang House Bill 3877 na nag-aamyenda sa PD 910 kung saan ipinalilipat sa general fund ang Malampaya Fund para nakikita kung saan ginagamit ito.

Facebook Comments