Kongresista, hiniling na i-avail na ng bansa ang alok na modern blood testing technology ng WHO

Pinakukuha ni Deputy Speaker Loren Legarda sa pamahalaan at sa pribadong sektor ang alok ng World Health Organization (WHO) na modernong blood testing technology.

Ang suhestyon ng kongresista ay sa harap na rin ng banta ng Omicron COVID-19 variant na ayon sa WHO ay maituturing nang “variant of concern”.

Iginiit ni Legarda na tanggapin na ng bansa ang alok na modern blood testing technology ng WHO dahil makakatulong ito para matukoy kaagad kung positibo ba o hindi sa virus ang isang tao.


Nanawagan din ang mambabatas na paigtingin pa ang ipinatutupad na health protocols at border control ng Pilipinas lalo na sa mga galing sa mga bansa sa Africa at Europa na may kumpirmadong kaso na ng Omicron variant.

Para rin mas lalong maiwasan ang pagkalat ng mga bagong variant ng sakit, ay pag-ibayuhin pa ang testing at pagbabakuna sa mga Pilipino.

Facebook Comments