Kongresista, hiniling na isailalim sa matinding training ang mga sundalo kahit tapos na ang Marawi crisis

Manila, Philippines – Hiniling ng isang mambabatas ang pagbibigay ng dagdag na suporta sa ating mga sundalo at pulis.

Ayon kay House Asst. Minority Leader Neil Abayon Jr., ngayong mision accomplished na ang AFP at PNP sa Marawi City, dapat na mabigyan ng trainings ang militar at pulis sakali mang makaroon ulit ng gyera.

Ito ay bilang paghahanda sa mga future wars na posible pa ring maganap sa bansa.


Kabilang sa mga pagsasanay na dapat gawin sa mga sundalo at pulis ay ang weaponry for urban warfare, close quarters combat at paggamit ng drones at robots.

Mahalaga aniya na maisama ito sa ilalim ng Revised AFP Modernization Program upang matiyak na handa palagi ang AFP at PNP sa anumang banta ng terorismo.

Facebook Comments