Kongresista, hiniling na pagmultahin na lamang ng malaking halaga ang Uber

Manila, Philippines – Hiniling ni PBA PL Rep. Jericho Nograles sa LTFRB na patawan na lamang sa susunod ng malaking multa ang Uber sa halip na suspendihin ang operasyon sakaling i-lift ang Motion for Reconsideration.

Ayon kay Nograles, patawan na lamang ng malaking halaga na multa ang Uber tulad ng ginawang pagmumulta sa Grab na aabot sa limang milyong piso at sa naunang violation ng Uber dahil sa patuloy na pagtanggap ng application ng mga drivers.

Sa ganitong paraan ay hindi aniya kailangang suspendihin ang operasyon ng Uber, kikita pa ang gobyerno at mare-regulate ang operasyon ng nasabing Transport Network Vehicle.


Hindi aniya dapat nasasakripisyo ang kapakanan ng riding public na pinaka-apektado sa nasabing isyu.

Giit ni Nograles, ang may kasalanan at kakulangan sa pagko-comply sa hinihingi ng LTFRB at lumalabag sa batas ay ang mismong Uber.

Panay aniya ang tanggap ng Uber ng aplikasyon sa mga Uber drivers sa kabila ng kawalan ng permit ng mga ito.

Facebook Comments