Kongresista, hiniling pa na mas lalong higpitan ang monitoring sa Quiapo

Manila, Philippines – Pinahihigpitan ng isang kongresista ang monitoring ng mga otoridad sa Muslim area sa Quiapo Maynila.

Sa pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development, nakiusap si Manila Rep. Manuel Luis Lopez sa NCRPO para higpitan ang pagbabantay sa Muslim community sa Quiapo

Ayon kay Lopez, may mga cells ng grupo sa Quiapo na doon na nagsimula at doon na rin lumaki.


Giit ng mambabatas, delikado ito dahil napakalapit nito sa Malakanyang at malapit din dito ang oil depot.

Kung may mangyaring hindi inaasahan, sinabi ni Lopez na magiging catastrophic ito hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Sagot naman ni NCRPO Director Oscar Albayalde, todo na ang monitoring nila sa Muslim community sa Quiapo.

Sa katunayan, nagdagdag na rin sila ng tauhan para dito noong magsimula ang ramadan.

DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments