Umapela si House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo sa pamahalaan na pahintulutan ang Estados Unidos at iba pang kaalyadong bansa na magpatrolya sa West Philippine Sea (WPS).
Sa House Resolution Number 1421 ni Tulfo, isinusulong dito na mabigyan ng access ang mga kaalyadong bansa sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites para sa pagsasagawa ng joint naval at air patrols sa WPS.
Bibigyan ng pribilehiyo ang Armed Forces ng Australia, Japan at South Korea na gamitin ang military bases sa ilalim ng EDCA habang nagpapatrolya.
Kakailanganin pa rin dito ang koordinasyon sa naval at air forces ng Pilipinas at Amerika.
Binigyang diin ni Tulfo na wala nang intensyon ang China na igalang ang batas at dahil maliit na bansa ang Pilipinas, mainam na pumasok na ito sa military alliance lalo’t parehong military at economic powerhouses ang Japan at South Korea.