Kongresista, hinimok na magkaisa at itaas ang moral ng mga atleta sa SEA Games

Nanawagan si House Deputy Speaker Prospero Pichay Jr., sa publiko na tulungang itaas ang moral ng mga Pinoy athletes na lalaban sa 30th SEA Games.

 

Ayon kay Pichay, ang bansa ay haharap sa gyera ng sports ngayon kaya kailangan ng pagkakaisa ng lahat.

 

Kung hindi aniya magkakaisa ang mga Pilipino ay tiyak na hindi makakamit ng bansa ang goal na manalo sa laban.


 

Giit ni Pichay, hindi solusyon ang batuhan ng sisi sa SEA Games at hindi rin ito makakatulong para itaas ang spirit ng bansa at ng mga atleta.

 

Pinatitigil na rin ng kongresista ang blame game ng mga pulitiko at sa halip ay umisip ng solusyon sa mga problema para sa reputasyon ng bansa.

Facebook Comments