Kongresista, humiling ng pagtutulungan at pagiging alerto sa publiko sa gitna ng paggunita ng Maguindanao massacre

Umapela si Maguindanao Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu sa publiko ng pakikipagtulungan at pagiging alerto sa gitna na rin ng paggunita ng ika-11 taon ng karumal-dumal na Maguindanao massacre.

Iginiit ni Mangudadatu na hindi na dapat maulit ang kaparehong malagim na insidente na kumitil ng 58 buhay kasama na dito ang 32 mga miyembro ng media.

Malaking panganib aniya sa seguridad ng mga pamilya ng mga biktima at sa mga witnesses ang 80 pang mga suspek na nanatiling “at large”.


Hanggang ngayon kasi aniya ay nakakatanggap pa rin ang mga pamilya at mga witnesses ng pagbabanta sa kanilang buhay at seguridad.

Nababahala rin ang kongresista dahil may mga apela pa rin ang mga convicted at baka sa isang iglap ay biglang mawala ang hustisyang kanilang pinagsumikapang makamit.

Nagpasalamat naman si Mangudadatu kay Pangulong Rodrigo Duterte at kay Judge Jocelyn Solis-Reyes sa pagtiyak ng hustisya para sa kanilang mga pinaslang na mahal sa buhay.

Facebook Comments