Kongresista, iginiit na economic package at hindi 13th month pay ang ibigay sa mga manggagawa

Inihirit ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Representative Carlos Zarate sa administrasyong Duterte na economic package at hindi maagang release ng 13th month pay ang kailangan ng mga empleyado.

Giit ni Zarate, unfair ang panukalang ibigay na ang 13th month pay dahil benepisyo ito ng mga empleyado na itinatakda ng batas.

Sa halip aniya ay dapat economic package na ayuda ang ibigay sa mga apektado na dapat manggaling sa mga kumpanya o sa gobyerno.


Apela ng kongresista sa administrasyong Duterte na gawing balanse at sensitibo sa sitwasyon ng mga tao lalo na ng mahihirap ang ipinatutupad na ‘Enhanced Community Quarantine’ sa buong Luzon.

Punto ng mambabatas, ipinasa ng gobyerno sa local government units ang responsibilidad para magamit ang kanilang calamity at quick reaction funds nang hindi malinaw ang mekanismo para sa food assistance at wala ring kalinawan kung paano mabibigyan ng tulong ng ilang LGUs ang mga obrero na arawan ang kita.

Kaya naman hirit ni Zarate sa pamahalaan, bigyan ng agarang tulong na P10,000 ang mga manggagawang apektado ng lockdown.

Facebook Comments