Kongresista, iminungkahi sa PNP na magsagawa ng mass testing at contact tracing sa mga presinto at sa mga PDLs na nakasalamuha ng mga COVID-19 positive na pulis QC

Inirekomenda ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na magsagawa ng mass testing at contact tracing sa mga presintong kinabibilangan ng mga pulis na positibo pala sa COVID-19 matapos na ma-i-deploy sa huling SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang 51 sa 82 pulis QC na nagpositibo sa COVID-19 ay na-i-deploy kamakailan sa SONA para magbantay sa labas ng Batasan at kontrolin ang mga kilos protesta.

“Nararapat lang din na ma-isolate at magamot ang mga super spreader cops na ngpositibo sa COVID.”


Giit ni Castro, bagama’t pasaway dahil nag-deploy pa rin ng mga pulis na naghihintay ng RT-PCR result, nararapat pa rin naman na ma-isolate at magamot ang mga law enforcers na nagpositibo sa virus.

“Dapat ding magconduct ng mass testing at contact tracing sa mga presintong kinabibilangan nila at sa mga PDLs din.”

Bukod sa pagtiyak sa gamutan sa mga COVID-19 positive, ay kailangang magsagawa na rin ng mass testing at contact tracing sa loob ng mga presinto at kulungan.

Mahalaga aniyang ma-test din ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) at matiyak ang kaligtasan laban sa COVID-19 dahil ang mga ito ay posibleng nahawa lamang din mula sa mga pulis na nakatalaga sa istasyon.

Facebook Comments