Kongresista, iminungkahing konsultahin muna ang militar bago payagan ang mga Chinese firms sa pagcoconvert ng mga isla bilang tourist destination

Iminungkahi ni Magdalo Partylist Representative Manuel Cabochan na komunsulta muna ang gobyerno sa militar at ilang government agencies bago pahintulutan ang mga Chinese firms sa mga development projects ng mga isla para gawing tourist destinations.

Ayon kay Cabochan, maaaring malagay sa alanganin ang pambansang seguridad kung papayagan ang mga proyekto.

Paliwanag ng kongresista, kaduda-duda ang motibo ng China at hindi tiyak kung turismo nga ba ang pakay nito sa paggawa ng mga proyekto.


Dapat aniya ay matuto na ang pamahalaan na kung ano ang sinasabi ng China sa publiko ay kabaligtaran ng ginagawa nito kaya kung papayagan ang mga aktibidad ay mahuhulog lamang sa bitag ang bansa.

Una nang iniulat ng Philippine Navy ang planong pag-develop ng China sa tatlong strategic islands partikular ang Fuga, Chiquita at Grande Islands.

Facebook Comments