Pinatututukan ni Gabriela Party list Rep. Arlene Brosas kay Energy Secretary Alfonso Cusi ang pagpapababa ng singil sa kuryente ngayong buwan. Umapela rin ang kongresista na itigil muna ang “party politics” ni Cusi, at iprayoridad ang nakaabang na pagtaas sa singil ng kuryente ngayon buwan, ngayong nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila.
Banat ni Brosas kay Cusi, nauna pang pangunahan ng kalihim ang pag-endorso sa “Go-Duterte” o Senator Christopher “Bong” Go at Pangulong Rodrigo Duterte tandem para sa eleksyon 2022.
Mabilis pa sa alas-kwatro kung magpakitang-gilas si Cusi pag usaping pangangampanya, ngunit sa pagtaas ng singil sa kuryente ay umano’y mabilas na tinataguan ang taumbayan.
Sinabi rin ni Brosas na sa halip na pagtulong at ang pagbaba ng COVID-19 sa bansa ay bubungad sa taumbayan ang pagtaas sa singil sa kuryente at gastusin sa panahon ng ECQ.