Kongresista, isinusulong na gawin nang disaster-resilient ang mga itatayong bahay at gusali

Iginiit ni Barangay Health Wellness (BHW) Partylist Rep. Angelica Natasha Co na napapanahon na para gawing disaster-resilient ang mga bahay at gusali sa bansa.

Ayon kay Co, “long overdue” na para baguhin ang pamamaraan sa pagtatayo ng mga bahay at buildings dahil normal na sa bansa ang mga kalamidad tulad ng bagyo, lindol at pagbaha.

Hiniling ng kongresista na i-integrate o isama sa National Building Code o RA 6541 na gawing disaster-resilient ang mga bahay at gusali.


Umapela ang kongresista na tulungan ng mga eksperto sa engineering, architecture, housing development at environmental planning na tulungan ang Kongreso at Ehekutibo na amyendahan ang batas.

Facebook Comments