Kongresista, itinutulak ang realignment sa budget para mapondohan ang free college education

Manila, Philippines – Hiniling ni 1-Ang Edukasyon PL Rep. Salvador Belaro na i-realign ang ilang mga budget items para mabigyan ng alokasyon ang free college education.

Ito ay matapos harangin ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para sa free college education dahil hindi naman lahat ng nakikinabang dito ay mahihirap.

Igigiit ni Belaro na maaaring kunin ang pondo sa ibang mga under-tapped items ng ilang mga government agencies tulad ng Gender and Development funds.


Maaari din aniya na kumbinsihin ang Pangulo na mahalaga ang universal access para sa de kalidad na edukasyon.

Isa pang pwedeng gawin ng gobyerno ay ang pagiisyu ng education bonds sa mga investors para maituloy pa rin ang nasimulan na libreng edukasyon para sa kolehiyo.

Giit ni Belaro, marami pang paraan na pwedeng magawa para maisalba ang ‘Free College Education Bill’.

Sa pagtaya ng Kongreso, kinakailangan ang nasa P100 bilyon para pondohan ang free college education sakaling ipatupad ito sa susunod na taon.

Facebook Comments