Kongresista, kinalampag ang Kamara na ipasa na ang mga panukala para i-regulate ang mga oil companies sa bansa

Manila, Philippines – Pinamamadali na ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang pagpapasa sa mga panukalang batas na mag-re-regulate sa oil industry sa bansa.

Ito ay kasunod na rin ng mga nakaambang na dagdag singil sa langis at mga produktong petrolyo.

Bukas ay inaasahang magtataas sa 30-40 cents kada-litro ang diesel, 20-30 cents sa kada-litro ng gasolina at 50-60 cents sa kada -litro ng kerosene.


Dahil dito, kinalampag ni Zarate ang Kamara na ipasa na ang House Bill 1760 o ang Renationalization of Petron, House Bill 3676 o ang Regulation of the Downstream Oil Industry at House Bill 3678 o ang Centralized Procurement of Oil.

Layon ng mga panukala na i-regulate ang mga kumpanya ng langis at ma-protektahan ang publiko sa walang habas na pagtaas sa singil ng mga produktong petrolyo.

Nababahala din ang mambabatas na kapag hindi naisabatas ang mga panukala ay tiyak na doble pahirap ito sa mga Pilipino lalo na kapag naipasa na ang tax reform bill.

Facebook Comments