Manila, Philippines – Nagbabala ang ilang mga taga oposisyon kay Pangulong Duterte na hindi malayo ang kapalaran nito kay Pangulong Aquino sa pagbaba nito sa pwesto sa 2022.
Ito ay matapos sampahan ng kaso ng Ombudsman si dating Pangulong Noynoy Aquino sa Sandiganbayan dahil sa Oplan Exodus sa Mamasapano na ikinasawi ng SAF44.
Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, hindi malabong mangyari din kay Pangulong Duterte ang sinapit ni Pnoy dahil sa mga paglabag nito sa karapatang pantao dulot na rin ng war on drugs nito.
Hindi lamang kay Pangulong Duterte ang babala na ito kundi sa iba pang opisyal ng gobyerno na kapag may ginawang mali o palpak ay tiyak na mananagot sa batas.
Hindi na nagtataka si Villarin kung bakit gustong i-impeach ng gobyerno si Ombudsman Conchita Carpio-Morales para makaiwas sa kaso at maglagay ng kanilang kakampi sa Ombudsman.
Pinuri naman ni Villarin si Ombudsman Morales na bagamat appointee ni PNoy ay nanatili ang pagiging independent nang makitaan na may nilabag ito sa operasyon sa Mamasapano.