Kongresista, may babala sa pangulo

Manila, Philippines – May babala si Ifugao Rep. Teddy Baguilat sa adminstrasyong Duterte sa pagsapit ng Pasko.

Ayon kay Baguilat, asahan na aniya ng Pangulo ang pagbaba ng trust at satisfaction ratings nito sa last quarter ng taon matapos lumabas sa survey ng Pulse Asia na nangunguna sa national concern ng mga Pilipino na sana`y resolbahin ay ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin na nasa 50%.

Sinabi ni Baguilat na ngayong Pasko ay sunud-sunod na magtataasan ang mga basic goods and services dulot na rin ng pagtaas ng demand.


Kung hindi aniya matutugunan ito ng pamahalaan ay tiyak na bababa nanaman ang ratings ng Pangulo.

Bagamat kabilang pa rin sa national concern ng mga Pilipino ang paglaban sa krimen na nasa 36%, hindi pa rin maiaalis na mas mataas ang pagnanais ng mga Pilipino sa dagdag na sahod na nasa 42% at trabaho na nasa 32%.

Nasa 28% naman ang paglaban sa kahirapan habang pinakamababa naman ang pagamyenda sa konstitusyon na nasa 2% lamang.

Facebook Comments