Kongresista, may hamon kay Cong. Alejano sa pagpapaimbestiga sa desisyon ng CA kay Gina Lopez

95

Manila, Philippines -Hinamon ni Isabela Rep. RoditoAlbano si Magdalo Rep. Gary Alejano na patunayan ang suhulan sa mga myembro ngCommission on Appointments dahilan kaya sinasabing hindi na-appoint bilang DENRSecretary si Gona Lopez.
  Giit ni Albano na isa sa mga myembro ng makapangyarihangCA, kung may ebidensya si Alejano ay patunayan ang nasabing suhulan.
  Pero kung wala namang mailalabas si Alejano na pruwebangmagpapatunay ng suhulan, sinabi mismo ni Albano na kainin ni Alejano angresolusyong ihahain niya.
  Inamin ni Albano na marami sa kanyang mga kasamahan sa CAang nasaktan sa alegasyon ni Pangulong Duterte tungkol sa bribery issue parahindi maappoint si Lopez sa DENR.
  Sa kabilang banda ay hindi naman siya nasaktan dahilkilalang sutil ang Pangulo at mahilig magbiro.
  Wala din sa kanila ang control sa kung anong gustongisipin ng publiko sa hindi pagkaka-appoint ng CA kay Lopez.
   
Payo nito, kung sa tingin nila ay hindi naging totoo angmga kongresista ay may eleksyon naman at huwag na lamang iboto ang ito sasusunod na halalan.
 
 
 

Facebook Comments