Kongresista, may hiling sa ipapalit na kalihim ng DENR

Manila, Philippines – Umapela si Anakpawis Rep. ArielCasilao sa ipapalit kay DENR Sec. Gina Lopez sa ahensya na ituloy ang mganasimulan nito.
  Ito ay dahil nangangamba si Casilao na mababalewala angmga naumpisahang reporma sa ahensya matapos ang ginawang pagbasura ng Commissionon Appointments sa appointment ni Lopez.
  Nakiusap ang kongresista na ang susunod na kalihim aydapat pangibabawan ang polisiya at interes ng publiko.
  Payo pa ni Casilao, hindi dapat bumigay sa pressure attukso sa mga mining companies ang ipapalit kay Lopez.
  Nanawagan din ang mambabatas sa publiko na bantayan anggalaw sa DENR upang hindi mabalewala ang mga pagbabago na ginawa ni Lopez.

Facebook Comments