Kongresista na sinasabing kinikikilan ng taga-ICI para alisin ang pangalan sa mga irerekomendang kasuhan, pinalalantad ng Komisyon

Pinalalantad ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang mga kongresista na sinasabing hinihingian ng pera ng kasapi ng ICI.

Ito ay kapalit daw ng pag-alis sa kanilang pangalan sa mga irerekomenda ng Komisyon sa Office of the Ombudsman na kasuhan kaugnay ng maanomalyang flood control projects.

Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka, kailangan nilang makakuha ng beripikadong impormasyon para makapagsimula sila ng imbestigasyon.

Sa kabila nito, kumpiyansa si Hosaka na wala silang kasamahan sa ICI na gagawa ng naturang iligal na aktibidad.

Facebook Comments