Manila, Philippines – Nangangamba ang isang kongresista mula sa Davao Del Norte sa posibilidad na mawalan ng trabaho ang libo libong residente kung mababalewala ang kasunduan ng Tadeco at Bureau of Corrections.
Ayon kay Davao Del Norte Rep Antonio Floirendo, hindi biro ang tatlumpung libo katao na maaaring mawalan ng hanap buhay at maaapektuhang mahigit 180 libong pamilya na umaasa sa kanila.
Sa Kamara, 2 beses na nagkaroon ng pagdinig hinggil sa nasabing joint venture agreement.
Kaugnay dito nagpasa ng kani kanilang resolusyon ang ibat ibang LGU mula sa Davao Del Norte na nagpahayag ng suporta sa BuCoR Tadeco deal.
Kabilang na rito ang ilang bayan na sakop ng distrito ni House Speaker Pantaleon Alvarez gaya ng bayan ng Asuncion na nagpasa ng resolusyon para suportahan ang nasabing kasunduan.
Una naring nagpasa mismo ng resolusyon ang pamahalaang panlalawigan ng Davao Del Norte bilang suporta sa joint venture agreement.