Kongresista, nag-alok ng P25,000 na pabuya sa makapagtuturo sa mga magulang ng sanggol na iniwan sa gilid ng kalsada

Nag-alok ng pabuya si Duterte Youth Partylist Representative Ducielle Marie Cardema sa sinumang makapagtuturo sa mga magulang o sa ina ng bagong silang na sanggol na iniwan sa gilid ng kalsada malapit sa Batasang Pambansa.

Sa inilabas na statement ni Cardema, P25,000 ang ibibigay nitong reward sa makapagtuturo sa mga iresponsableng magulang ng sanggol.

Galit na galit ang lady solon dahil hindi man lamang inisip ng mga magulang ang kapakanan ng sanggol na basta na lamang iniwan sa gilid ng daan at inilagay sa kahon.


Dahil sa insidenteng ito ay maghahain si Cardema sa Mababang Kapulungan ng panukalang batas na magtatakda ng mahigpit na parusa laban sa mga pabaya at iresponsableng magulang.

Ang sanggol ay natagpuan kahapon ng isang concerned citizen at kumalat rin sa social media ang kahabag-habag na sitwasyon ng sanggol.

Facebook Comments