Kongresista, nagbabala na pwedeng maging mas agresibo ang China sa West Phil. Sea

Manila, Philippines – Nagbabala si Magdalo PL Rep. Gary Alejano sa posibleng paglala ng pagiging agresibo ng China sa bansa.

Ito ay bunsod na rin ng inilunsad ng China na dredging vessel na itinuturing na Asia’s most powerful island maker.

Babala ni Alejano, posibleng makadagdag sa pagiging agresibo ng China sa pag-angkin sa West Philippine Sea ang dagdag na maritime arsenal.


Nakakatakot anya ang bagong dredging vessel ng China na Tian Kun Hao dahil bukod sa napakalaki nito ay mabilis din ang kapasidad nito sa dredging at pag-reclaim ng mga isla.

Ang Tian Kun Hao na kasing laki ng siyam na basketball courts ay kaya umanong mag-dredge ng hanggang 6,000 cubic meters at kayang humukay ng hanggang 35 meters na lalim.

May kapasidad din ito para humukay sa isang lugar at mag-refill sa isa pang lugar nang hindi na kailangang ibiyahe ang landfill material sa ibang lugar.

Giit ng kongresista, kailangang magkaroon na ng malinaw na direksiyon ang bansa para panindigan ang soberenya at teritoryo nito sa West Philippine Sea bago maging huli ang lahat.

Facebook Comments