Kongresista, nagbabala sa posibilidad na humalo sa sibilyan ang Maute Group

Manila, Philippines – Nagbabala ang isang Mindanaoan Congressman na tiyak na hahalo ang Maute group sa mga sibilyan sa oras na humupa ang bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles, hindi malabong pagkatapos ng paghahasik ng kaguluhan sa Marawi ay magbe-blend in na lamang ng napakadali sa mga sibilyan ang mga matitirang myembro ng Maute group.

Dahil dito, dapat lalong tugisin at tukuyin ng militar ang mga myembro ng teroristang grupo.


Batid kasi ng mga teroristang grupo ang kanilang karapatan sa ilalim ng Konstitusyon at ang limitasyon ng militar sa pagsasagawa ng peacekeeping protocols at ito ay nauuwi sa pangaabuso gaya ng ginawa ng Maute group.

Hindi aniya dapat na pabayaang maabuso ng mga mga terorista ang Konstitusyon at ang tanging paraan lamang para ma-counter ang mga pagmamalabis sa batas ay ang martial law.

Natitiyak naman ni Nograles na irerespeto ng gobyerno at ng militar ang karapatang pantao ng mga sibilyan sa ilalim ng batas militar.
DZXL558

Facebook Comments