Humihingi ng tulong si Asst. Majority Leader at ACT-CIS Partylist Rep. Niña Taduran sa publiko, private sector at organizations na tulungan ang University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH).
Hiling ni Taduran na tulungan ang Bayanihan na Operations Center ng UP-PGH na ngayon ay nangangailangan ng blood donation at medical equipment.
Ayon sa lady solon, maraming pasyente sa COVID-19 center ang naghihintay pa rin ng isasalin sa kanila na blood plasma.
Bukod dito, nauubusan na rin ng protective equipment ang mga health worker.
Nauna rito ay nag-abot na ng tulong ang ACT-CIS sa UP PGH ng personal protective equipment (PPE), face masks at kahon-kahong aerosol.
Sa mga nais aniyang magpaabot ng tulong sa UP PGH ay maaaring makipag-ugnayan sa numerong 155-200.