Kongresista, nanawagan ng tulong para sa UP-PGH

Humihingi ng tulong si Asst. Majority Leader at ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran sa publiko, private sector at organizations na tulungan ang UP-PGH.

Hiling ni Taduran na tulungan ang Bayanihan Na Operations Center ng UP-PGH na ngayon ay nangangailangan ng blood donation at medical equipment.

Ayon sa lady solon, maraming pasyente sa COVID-19 center ang naghihintay pa rin ng isasalin sa kanila na blood plasma.


Bukod dito, nauubusan na rin ng protective equipment ang mga health workers.

Nauna dito ay nag-abot na ng tulong ang ACT-CIS sa UP PGH ng personal protective equipment, face masks at kahon-kahong aerosol.

Sa mga nais aniyang magpaabot ng tulong sa UP PGH ay maaaring makipag-ugnayan sa numerong 155-200.

Facebook Comments