Kongresista, nanawagan sa netizens na tigilan na ang victim-blaming sa pagkasawi ng painter na si Bree Jonson

Umaapela si Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas sa netizens na tigilan na ang “victim-blaming” kaugnay sa kaso ng pagkamatay ng artist na si Bree Jonson.

Natagpuang wala nang buhay ang 30 taong gulang na painter nitong September 18 sa isang resort sa La Union kung saan huling nakasama nito si Julian Ongpin, ang anak ng bilyonaryo at dating trade minister na si Bobby Ongpin.

Nakiusap si Brosas sa publiko partikular sa mga netizens na itigil ang paninisi sa biktima dahil lalo lamang itong nagpapalala sa “misogynist projection” ng lipunan sa mga kababaihan.


Hirit ng kongresista ang mabusising imbestigasyon sa pagkamatay ni Jonson upang maalis ang pagdududa sa pagkakaroon ng “foul play” at “whitewash” sa kaso lalo’t isang maimpluwensyang miyembro ng pamilyang Ongpin ang nadadawit.

Tiniyak naman ni Brosas ang pagbabantay sa kaso at patuloy na maghihintay sa makukuhang impormasyon ng mga awtoridad.

Facebook Comments