Wednesday, January 21, 2026

Kongresista, naniniwalang alam ng ilang pulitiko ang nangyayaring smuggling sa kanilang nasasakupan

Naniniwala si Marikina City Rep. Miro Quimbo ang chairman ng House Committee on Ways and Means na ang pagpapaigting ng batas sa smuggling ay makakatulong para masuportahan ang 2026 national budget.

Sa pagdalo ni Cong. Quimbo sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi nito na ang isyu sa smuggling ay alam ng ilang pulitiko lalo na sa mga malalayong probinsiya dahil sila ang nakakaalam ng mga nangyayari sa kanilang lugar.

Kaya’t dahil dito, nais niyang paimbestigahan sa Kamara ang pagtaas ng kaso ng large-scale tobacco smuggling.

Aniya, malaking dagok sa ekonomiya ng bansa ang nangyayaring agriculture smuggling lalo na sa tobacco kung saan noong nakaraang taon ay bilyong piso ang nalulugi sa ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Rep. Quimbo, nalalagay rin sa alanganin ang kalusugan ng mga naninigarilyo dahil mura itong nabibili lalo na ang mga kabataan.

Paliwanag ng kongresista, ang kalahati ng kikitain sa sintax ay napupunta sa pondo para sa kalusugan kung kaya’t nais niyang palakasin pa ang batas laban sa smuggling.

Facebook Comments