Kongresista, naniniwalang may “wisdom” ang pag-iisyu ng FDA ng EUA sa Sinovac

Kinampihan ng isang kongresista ang Food and Drug Administration (FDA) matapos mabatikos dahil sa pagkakaloob ng Emergency Use Authorization (EUA) sa Sinovac ng China gayong hindi pala ito magagamit sa lahat ng health workers at senior citizens.

Ayon kay Kabayan Partylist Rep. Ron Salo, nakikita niya ang “wisdom” ng FDA sa pag-iisyu ng EUA sa Sinovac.

Naniniwala si Salo na may pinagbasehan ang FDA sa naturang rekomendasyon gaya ng mga dokumento at clinical studies na dumaan sa mabusising review.


Dagdag ng kongresista, posibleng binigyang-bigat ng FDA ang pagiging “vulnerable sector” ng mga nakatatanda at lebel ng “health risk” sa mga health worker na exposed sa COVID-19.

Dagdag pa ni Salo, may iba namang mga bakuna na nakatanggap na rin ng EUA na kayang magbigay ng mas mataas na lebel ng proteksyon sa senior citizens at health workers.

Facebook Comments