Pinamamadali ni ACT-CIS Partylist Rep. Niña Taduran ang mga otoridad sa pagbibigay hustisya sa pinaslang na dating lady editor ng isang tabloid.
Nitong Martes ay napabalita ang pagpaslang sa dating editor ng isang pahayagan na si Gwen Salamida matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa loob ng kaniyang pagmamay-aring salon and spa sa Quezon City.
Panawagan ng kongresista sa Philippine National Polcie (PNP) na huwag tigilan ang imbestigasyon at pagtugis sa mga nasa likod ng krimen.
Pinatitiyak din ni Taduran, kung talaga bang pagnanakaw o may iba pang motibo sa pagpatay sa dating editor.
Dahil sa krimen, mas lalong pursigido si Taduran na maisabatas sa lalong madaling panahon ang Media Workers Welfare Bill na layunin ding mabigyan ng insurance o benepisyo ang mga miyembro ng media na biktima ng krimen, aksidente at iba pang kadahilanan na may kinalaman sa trabaho.