Kongresista, pinag-iingat ang publiko sa mga naglipanang investment scams

Pinag-iingat ni Deputy Speaker at 1-Pacman Partylist Representative Michael Romero ang publiko kaugnay sa naglipanang investment scams.

Ang babala ng kongresista ay kasunod ng pagka-aresto sa scammer at con-artist na si Christine Lagrisola na nagpapanggap na staff, empleyado at consultant ng iba’t ibang kongresista para mahikayat ang mga ilang indibidwal na mag-invest sa isang negosyo.

Mismong si Romero, na isa rin sa mga kongresistang ginamit ang pangalan, ang naghain ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Lagrisola na umabot na sa P100 million investment ang nascam gamit ang ilang mga pangalan ng mga mambabatas.


“The public has to be very careful on the proliferation of investment scams,” sabi ng mambabatas.

Babala ni Romero sa publiko, kung ang isang investment ay may pangakong kita o tubo na higit pa sa 30% kada taon o kaya naman ay dodoble ang investment sa loob ng isang buwan, sigurado aniyang ito ay scam.

“If an Investment promises more than 30% return per year, then surely there is a scam to it,” sabi ni Romero.

“More so, if any investment promises to double your money in 30 days. Please all be very careful in investing your hard earned money. Your Principal is always more important than your promised interest,” dagdag pa ng mambabatas.

Dahil dito, kailangan aniyang maging alerto ng publiko sa mga ganitong modus lalo na kung gumagamit ng pangalan ng mga opisyal, malalaking kumpanya at mga kilalang tao.

Dagdag pa ng kongresista, dahil talamak ang mga scammers ay dapat na pagingatan ng husto ang mga pinaghirapang salapi dahil mas mahalaga ito kumpara sa pangakong napakalaking interes.

Facebook Comments