Manila, Philippines – Nababahala si Akbayan Rep. Tom Villarin sa mga binabalak na pasuking kasunduan ng gobyerno sa China.
Dahil dito ay pinagdadahan-dahan ni Villarin ang Pangulong Duterte sa mga deals sa nasabing bansa.
Partikular na dito ang iminumungkahing pagpasok ng bansa sa kasunduan sa China para sa joint exploration sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Villarin, ang bawat concession na pasukin ng gobyerno ay nagpapahina ng leverage ng Pilipinas sa China kahit pa hawak nito ang paborableng desisyon mula sa UN arbitration.
Bagamat sang-ayon ang kongresista na hindi dapat mauwi sa tensyon ang isyu sa mga pinag-aagawang teritoryo pero kailangang tiyakin na nananaig pa rin ang soberenya ng bansa.
Paalala ni Villarin, ang mga pagbibigay ngayon ng China sa Pilipinas ay tiyak na may kapalit gaano man ito katamis para kay Pangulong Duterte.
DZXL558