Kongresista, pinatitiyak ang adjustments sa electricity bills ng Meralco

Pinatitiyak ni House Committee on Energy Chairman at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa Meralco na ipapatupad ng utility company ang adjustment sa mga bills ng kuryente ng mga consumers.

Ito ay matapos aminin ng Meralco sa Joint Congressional Energy Commission hearing ng Kongreso na wala silang ginawa na actual meter reading nitong buwan ng Abril dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) at pinagbatayan ng singil sa kuryente ay ang “estimated consumption” mula sa mga nakaraang bills ng mga costumers.

Pero, ipinakita ni Velasco ang hawak na bill mula sa isang nagrereklamong consumer na mahigit sa P30,000 ang singil sa kanyang kuryente mula ng ipatupad ang ECQ, gayong nasa average na P10,000 para sa dalawang buwan na consumption lamang ang kanyang mga bills bago ang pandemic.


Dahil dito, iginiit ni Velasco sa Meralco na magpatupad ng adjustment at gawing batayan sa singil ang actual power consumption.

Nangako din ang Meralco sa kongresista na hindi nila puputulan ng serbisyo ang mga consumers na hindi makakapagbayad agad sa electricity consumption ngayong may krisis.

Facebook Comments