Kongresista, pinatitiyak na tuloy-tuloy ang paghahatid ng mga produkto sa iba’t ibang bahagi ng bansa

Umapela ang ilang kongresista sa pamahalaan na tiyaking walang pagsisikip sa mga pantalan, expressways, paliparan, at iba pang conduit points.

Ito ay para matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng mga suplay ng produkto sa iba’t ibang bahagi ng bansa kasabay ng pagtaas ng demand.

Partikular na nanawagan si Albay Rep. Joey Salceda sa Department of Agriculture (DA), Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH), at Department of the Interior and Local Government (DILG).


Ibinabala kasi ni Salceda na habang umaangat ulit ang ekonomiya, ang inflation o mabilis na pagtaas sa presyo ng mga produkto at serbisyo ang susunod na malaking kalaban ng ekonomiya.

Kumpyansa naman ang kongresista sa nakalatag na monetary policy tools para mapigilan ang pagtaas ng inflation ngunit maliit lamang ang magagawa nito kung ang magiging problema ay nasa suplay.

Irerekomenda rin ng mambabatas ang pagbuo ng Task Force Supply Chain Management ng Department of Trade and Industry (DTI) upang maagapan at maiwasan ang supply congestion.

Facebook Comments