Hiniling ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun na huwag bigyan ng special treatment ang government officials sa oras na magkaroon na ng COVID-19 vaccine.
Partikular na hindi ipinasasama sa mabibigyan ng libreng bakuna ang kahit sinong opisyal ng gobyerno at kanilang pamilya, elected man o appointed o career official na may ranggong division chief pataas hanggang sa Pangulo.
Ayon kay Fortun, personal na gastos dapat ng mga opisyal ng gobyerno ang kanilang COVID-19 vaccine.
Ipinasasama rin ang mga barangay health workers sa 20 million na Pilipinong paglalaanan ng libreng bakuna lalo’t bukod sa mahihirap ay kasama rin sila sa mga vulnerable sector.
Para naman sa mga hindi mabibigyan ng free vaccines, nariyan ang PhilHealth para sa partial subsidy sa middle income households, karaniwang empleyado at informal workers.