Manila, Philippines – Pinatitiyak ni Kabayan Rep. Harry Roque ang kaligtasan ng mga sibilyan sa Marawi City kasabay ng operasyon ng militar at ang deklarasyon ng martial law.
Ayon kay Roque bukod sa pagtugis sa Maute group ay dapat matiyak ng gobyerno na hindi madadamay ang mga sibilyan sa bakbakan.
Sa ilalim ng International Humanitarian Law ay sinisigurong ligtas at hindi maiipit sa gulo ang mga inosenteng residente sa lugar.
Sa ilalim din ng batas sa armed conflict at sa 1977 Geneva Convention kung saan kabilang din ang bansa ay kailangang matukoy kung sino ang sibilyan sa kalaban ng pamahalaan at dapat na mabigyan ang mga sibilyan ng proteksyon sa kabila ng military operations.
Nakasaad din na hindi maaaring pwersahin ng otoridad na palikasin ang mga residente nang dahil sa conflict pero kung kinakailangan na lisanin ang mga tahanan ay dapat na matiyak na ang mga evacuees ay nasa ligtas na lugar.
Mahaharap naman sa parusa ang sinuman na lalabag dito na magiging sanhi ng humanitarian disaster sa rehiyon.
DZXL558, Conde Batac