Manila, Philippines – Pinayuhan ni Bayan Muna Pl Rep Carlos Zarate si Pangulong Duterte na samantalahin ang pagdating sa bansa ni US President Donald Trump para igiit ang pagbabalik sa Balangiga bells.
Si Trump ay nakatakdang dumating sa bansa sa Nobyembre a onse para dumalo sa ASEAN Summit Meetings.
Giit ni Zarate dapat na personal na kausapin ng Pangulo si Trump para sa pagbabalik sa Balangiga bells.
Bukod rito ay ang pagbibigay rin aniya ng danyos ng Amerika dahil sa pagkuha nito sa Balangiga bells bilang war trophy noong panahon ng Philippine-american War.
Ang dalawa sa bell ay nasa US military base sa Cheyenne, Wyoming habang ang isa ay nasa museum sa South Korea.
Facebook Comments