Kongresista, pumalag sa isyu na nasa likod ang LP para sirain ang imahe ng gobyerno

Manila, Philippines – Dinepensahan ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat ang Liberal Party matapos na idawit ang `dilawang` grupo sa black operation na layong sirain ang imahe ng Pangulong Duterte.

Ayon kay Baguilat, naninindigan ang Liberal Party (LP) sa demokratikong proseso sa kabila ng patuloy nilang pagtutol sa ilang polisiya ng administrasyon.

Sinabi ni Baguilat na gumagamit ng `Marcosian tactic` ang Duterte government para takutin ang mga nasa oposisyon at itanim sa isip ng publiko na palaging may balak na masama ang mga kumakalaban sa gobyerno.


Pinalalabas lamang ito ng gobyerno para mailihis ang atensyon ng publiko sa palpak na war on drugs, giyera sa Marawi, at korapsyon sa pamahalaan.

Dagdag pa ni Baguilat, imbes na bumuo ng fabricated conspiracy theories ang gobyerno, dapat na tanungin ng gobyerno kung bakit ang simbahan pati na ang ibang grupo ay sumasali na sa panawagan sa pagtigil sa pagpatay sa mga inosenteng kabataan na nadadamay sa kampanya kontra iligal na droga.

Facebook Comments