Manila, Philippines – Kinondena ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago ang pahayag ni National Youth Commission Chairman Ronald Cardema na bawiin ang scholarship na ibinigay ng gobyerno sa mga estudyanteng sumasama sa mga rally.
Giit ni Elago, ang pagkakaroon ng edukasyon ay karapatan ng lahat at ang makilahok sa protesta ay isa ring karapatan na naaayon sa Konstitusyon.
Sinabi ng mambabatas na mukhang walang alam si Cardema sa mga nakapaloob sa Saligang Batas dahil ang ‘right to education’ at ‘right to protest’ ay ilan sa mga karapatan na ibinibigay ng estado.
Sa katunayan aniya, ang pagkakaloob ng Free tuition sa mga magaaral ay bunga ng panawagan sa mga protesta.
Nababahala ang mambabatas na mismong ang Youth Commissioner ang nangunguna para tanggalan ng karapatan ang mga estudyante.