Kongresista sa Zamboanga City kasama ang pamilya nito, kinumpirmang positibo sila sa COVID-19

Kinumpirma ni Zamboanga Representative Mannix Dalipe na positibo siya kabilang ang kanyang apat na miyembro ng pamilya sa sakit na COVID-19.

Sa kanyang Facebook post ay sinabi ng kongresista na kasalukuyan siyang naka-confine sa ospital at nagpapagaling.

Kabilang naman sa iba pang miyembro ng pamilya na nagpositibo, ang kanyang ama na si dating Mayor Manny Dalipe na unang tinamaan ng sakit, ang kanyang asawa na si Keenah, at dalawang anak na babae kung saan ang isa dito ay sanggol pa.


Ayon pa kay Dalipe, inuubo siya at masakit ang lalamunan.

Binanggit rin nito na ang kanyang ama ay nasa Intensive Care Unit (ICU) ng ospital.

Humihingi naman ng dasal ang mambabatas para sa kanilang pamilya at para sa kalusugan at kaligtasan ng lahat.

Facebook Comments