Kongresista sa Zamboanga City susuportahan ang Pangulong Duterte kung plano nitong i-extend ang martial law sa Mindanao

Zamboanga, Philippines – Sa kabila ng usap-usapan na posibleng extension ng imposition ng Martial Law sa Mindanao, sinabi ng kongresista ng Distrito Uno na si Cong. Celso Lobregat sa lungsod ng Zamboanga na dapat sundin muna ng ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isinasaad sa provision ng Philippine Constitution, kung plano nitong i-extend ang Declaration ng Martial Law sa rehiyon.

Sa panayam kay Lobregat ng RMN Zamboanga, kanyang sinabi na kailangan pa rin hingin ng Pangulo sa kongreso para mag-convene kasama ang Senado o magsagawa ng Joint Session at bumoto para maaprubahan ito.

Sa ngayon, may sapat nang numero sa kongreso at madali na lamang para sa mayorya na suportahan ang kahilingan ni Pangulong Duterte para i-extend ang Martial Law sa Mindanao ayon kay Lobregat, depende kung ilang buwan nito gusto, basta ang immportante ay ma-neutralize ang mga masasamang loob o teroristang grupo katulad ng Maute at ibang rebeldeng grupo sa nasabing rehiyon.


Ang kaibahan umano dito kung hihingin ng Pangulo ang imposition ng Martial Law ipapatupad sa buong bansa, kung saan magiging madugo ang debate nito.

All out support naman si Lobregat kay Duterte kung plano nitong i-extend ang Martial Law sa Mindanao, dahil mas nakabubuti aniya ito para sa buong rehiyon.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments