Kongresista, tiniyak ang pagsusulong ng ekonomiya ng bansa sa ilalim ng "Dutertenomics"

Manila, Philippines – Kinakitaan umano ng isang matatagna gobyerno ang Duterte administration matapos na iprisenta ang”Dutertenomics”.
  Taliwas sa paniniwala ng iba na masyadong nakafocus angpamahalaan sa war on drugs, isa rin ang ekonomiya sa target na paunlarin nito.
  Ayon kay Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles, layon ngDutertenomics na mapabilis ang economic development at makalikha ng matatag naFilipino middle class sa mga susunod na taon.
  Nakasentro din aniya sa maigting na paglaban sa kahirapanang Dutertenomics sa pamamagitan ng paglikha ng isang ekonomiya namakaka-generate ng maraming investments at trabaho.
  Bukod sa pagpapalakas ng bilateral relations sa GitnangSilangan, plano din ng gobyerno na palawakin sa ibang mga bansa ang kalakalanat pamumuhanan para sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
  Kabilang din sa 10 point economic agenda ng pamahalaanang mas malaking pondo para sa imprastraktura at patas na distribusyon ng kitang bansa partikular sa mga lugar na mas nangangailangan ng suporta ngpamahalaan.
  Sa tantya ng pamahalaan ay gagastos sa imprastraktura ngP847.62 Billion o 5.2 percent mula sa GDP at P9 Trillion naman ang inilaan mula2017 hanggang 2022 para sa public infra tulad ng tulay, highways at mga riles.
 

Facebook Comments