Kongresista, tiwala na magkakaroon ng kompromiso ang mambabatas at mga economic managers sa Bayanihan 3

Kumpyansa si House Committee on Economic Affairs Chairman Sharon Garin na magkakaroon ng pagkakasunduan o ‘middle ground’ ang mga miyembro ng Kamara at ang economic managers kaugnay sa isinusulong na Bayanihan 3 Bill.

Ayon kay Garin, nagkaroon muli ng pulong kamakailan ang mga mambabatas kasama ang mga opisyal ng Department of Finance (DOF) at Department of Budget and Management (DBM).

Katunayan, sa bawat pulong aniya ay mas nagiging maayos ang usapin sa pagpopondo sa P405.6 billion Bayanihan 3.


Sinabi pa ni Garin na mismong si Finance Secretary Sonny Dominguez ay nag-aalala sa sitwasyong pang-ekonomiya at pangkalusugan sa bansa sa gitna ng pandemya.

Batid naman ng kinatawan na hindi lahat ng nasa House version ng Bayanihan 3 ay tatanggapin ng ehekutibo.

Magkagayunman, tiwala naman ang kongresista na magkakaroon ng middle ground o kompromiso lalo’t maganda ang intensyon ng Bayanihan 3 na makatulong sa mga Pilipinong nasapol ng pandemya.

Facebook Comments