Kongresista, tiwalang hindi gusto ni Pangulong Duterte na ma-impeach si VP Robredo

46
Manila, Philippines –  Naniniwala si Isabela Rep. Rodito Albano na hindi gugustuhin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ma-impeach na lamang basta-basta si Vice President Leni Robredo.
 
Ayon kay Albano, wala naman sa pagnanais ng Pangulo na patalsikin si Robredo sa posisyon lalo’t ang mga naghain ng impeachment complaint ay hindi kapani-paniwala.
 
Kung siya ang tatanungin, hindi uusad ang impeachment complaint kay Robredo dahil maituturing na perpetual impeacher o makailang ulit na naghain ng mga impeachment complaint noon si Atty. Oliver Lozano.
 
Mababatid na si Lozano din ang naghain noon sa Kamara ng impeachment complaint laban naman sa dating Pangulong Noynoy Aquino at naibasura din sa komite matapos na makitang walang sapat na grounds para patalsikin ito.
 

Facebook Comments