Kongresista, umalma sa naging reaksyon ng China sa construction na gagawin ng Pilipinas sa Pag-asa Island

Manila, Philippines – Umalma si Magdalo Rep. Gary Alejano sa negatibong reaksyon ng China sa planong construction work ng Pilipinas Sandy Cay sa Pag-asa Island.

Paalala ni Alejano, walang basehan ang pagtutol ng China sa gagawing construction sa sand bars dahil ito ay matagal ng nasa kontrol ng tropa ng pamahalaan.

Paliwanag pa ng kongresista, isinasailalim din sa regular na pagpapatrolya at pagbisita ang sandbars ng mga sundalo maging ng ating mga mangingisda.


Aniya, agad na nagbibigay ng negatibong reaksyon ang China sa ating teritoryo sa West Philippine Sea pero kapag ang China naman ang gumawa nito ay itinatrato ng gobyerno na “in good faith” ang kanilang pagpasok sa bansa.

Matatandaan na nitong Agosto lamang ay inilabas ng kongresista ang impormasyon na may mga barko ng China ang nasa Sandy Cay.

Dagdag pa ni Alejano, ngayon dapat mismo ay igiit ng pamahalaan ang paborableng desisyon sa Pilipinas ng UN Permanent Court of Arbitration tungkol sa pinaagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Facebook Comments