Kongresista, umapela na huwag patawan ng multa ang mga tax payer na hindi agad makakapagbayad ng kanilang buwis

Nakiusap si Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda sa tax agencies na huwag patawan ng multa ang tax payers na hindi makakapagbayad agad ng kanilang mga buwis.

Ayon kay Salceda, bunsod ng mga pagbabago sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act ay umapela na siya sa Department of Finance (DOF) at sa iba pang kaukulang ahensya na huwag nang patawan ng penalty at surcharges ang mga hindi agad makakapagbayad ng tax returns hanggang sa April 15.

Paliwanag ni Salceda, dahil kailangan agad ng SAP 3 ay malabong maipagpaliban ang deadline para sa pagbabayad ng buwis nang sa gayon ay may mapaghugutan ng pondo ang gobyerno.


Kaya naman panawagan niya sa tax agencies na palawigin pa ang petsa ng filing ng tax returns at huwag pagmultahin ang mga taxpayers.

Pinatitiyak din ni Salceda sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na walang magiging aberya sa e-filing systems para sa tax payers na pipiliing magbayad ng buwis sa online.

Samantala, pinamamadali na rin ng kongresista ang paglalatag ng Implementing Rules and Regulations (IRR) sa ilalim ng CREATE na layong ibaba ang corporate income tax ng mga korporasyon para mas makahikayat ng mga mamumuhunan at makapagbigay ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino.

Facebook Comments