Kongresista, umapela na ng ayuda para sa mga constituents na apektado ng ECQ sa Cagayan de Oro

Humingi na ng financial assistance si House Deputy Speaker at Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga constituents nitong apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) na ipinatutupad sa lalawigan dahil sa naitalang mga kaso ng Delta variant.

Sa 11 kaso ng mas nakakahawang Delta variant, 5 dito ay naitala sa CDO habang isa sa Misamis Oriental.

Dahil sarado ang hanapbuhay at mga negosyo sa CDO kaya lumiham na si Rodriguez kay Pangulong Duterte upang magbigay ang pamahalaan ng P6,000 na ayuda para sa mga constituents na apektado ng lockdown.


“Now under ECQ, people are required to stay home, will not be able to work and they will not have income to purchase food and other basic necessities for their families for the next two weeks from July 16 to July 31,” ani Rodriguez.

Bunsod aniya ng ECQ sa lalawigan ay kinailangan ng mga tao na manatili lamang sa bahay kung kaya’t marami ang hindi makapasok sa trabaho at walang sapat na kita para tustusan ang pang-araw araw na pangangailangan ng mga pamilya na tatagal hanggang July 31.

Hiling ni Rodriguez na mabigyan ng P6,000 tulong pinansyal ang bawat pamilya sa CDO dahil na rin sa pagsasailalim sa ECQ.

“In view of the same, may I request for cash assistance pf P6,000 for each family in Cagayan de Oro since it is already under ECQ,” anang mambabatas.

Tinukoy pa ng kongresista na noong namahagi ng dalawang tranche ng P6,000 hanggang P8,000 na ayuda sa buong bansa sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 1 ay isang beses lang nabigyan ng cash aid ang mga taga-CDO dahil naisailalim din sila agad noon sa general community quarantine (GCQ).

Bukod sa Pangulo ay nagpadala rin ng liham si Rodriguez kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Joselito Bautista para sa mabilis na pag-administer sa cash assistance sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ.

Facebook Comments