Kongresista, umapela sa pangulo na ipatupad ang lahat ng mga programa na makakatulong sa mga mahihirap ngayong pandemya

Nanawagan si House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda sa gobyerno na agad ipatupad ang mga programa na makakatulong sa mga pinakamahihirap na direktang apektado ng pandemya.

Kasabay ng pagdiriwang ng International Day to Overcome Extreme Poverty, hiniling ng kongresista kay Pangulong Rodrigo Duterte na bago ito bumaba sa pwesto ay dapat na maibibigay ang mga kinakailangang tulong sa mga vulnerable at marginalized sector.

Ayon sa kongresista, na pangunahing may-akda ng “Magna Carta of the Poor” law, dapat mabigyan ang bawat Pilipino ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng sapat na pagkain, disenteng trabaho, de kalidad na edukasyon, pabahay at mahusay na healthcare.


Isinulong din ng dating senador na mapondohan ang free college education, universal healthcare coverage, dagdag-pondo para sa social services, libreng irigasyon sa maliliit na magsasaka at pagbubukas ng kabuhayan sa mahihirap na sektor ng bansa.

Base sa datos ng National Economic and Development Authority (NEDA), tumaas sa 18.3% ang poverty rate sa bansa noong 2020, na katumbas ng humigit-kumulang sa 20 milyong mahihirap na Pilipino.

Facebook Comments